Lumaktaw sa pangunahing content

health benefits ng guyabano



Masustansya ang guyabano pero, 'wag naman natin syang ituring na gamot para sa lahat na nabanggit nating problema. Ituloy pa rin natin ang mga gamot na rineseta ng doctor natin.


1. Maaring makatulong rin sa mga may migraine headache dahil sa taglay nitong Riboflavin.

2. Mayaman sya sa fiber kaya't makakatulong rin sa mga may constipation.

3. Mayaman rin sya sa vitamin C at makakatulong para labanan ang mga infection tulad ng infection sa ihi o UTI.

4. Mayaman rin sya sa potassium na maaring makatulong sa mga nakakaramdam ng pamimitig (cramps) ng muscles at panghihina.

5. Para sa mga kababaihan naman, nakakatulong ang guyabano na bawasan ang mga nararamdaman tuwing may menstruation.

6. Mayaman rin sya sa Folate na kailangan ng mga nag-bubuntis.

7. Tumutulong syang mag-produce ng energy para sa katawan. Mayaman sya sa vitamin na Thiamin na tumutulong i-convert ang asukal at carbohydrates na maging energy.

8. Nakaka-patibay rin sya sa mga buto natin. Mayaman rin sya sa calcium na kailangan ng mga buto.

9. Nakakatulong rin syang ma-control ang cholesterol natin sa dugo. Dahil ito sa Niacin na nasa guyabano.


10. Makakatulong rin ito para maiwasan ang anemia dahil mayaman sya sa iron.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tamang oras ng pagtulog

1. Ibagay ang tulog sa iyong edad. Kapag tayo’y wala pang 20 years old, puwedeng 9-10 na oras ang tulog. Ngunit pagdating natin sa edad 30 at 40, mas maikli na ang tulog sa 7-8 na oras. Kapag lampas na sa edad 60 at 70, nagiging 6 na oras na lang ang tulog. Gayunpaman, kailangan pa rin ng ating katawan ang lakas at sigla na naibibigay lamang ng tulog. 2. Huwag din lalampas sa 10 oras na tulog. May pagsusuri din na masama ang sobrang pagtulog. Baka may sakit ka na. 3. Kung kulang ka sa tulog, mag-siyesta sa hapon para mapunuan ang kailangan mong 8 oras na pahinga. 4. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na. 6. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na. 5. Tama ang sabi ng matatanda, dapat maaga matulog, at maaga din magising. Bukod sa mabuti sa katawan, ito din ang ga...

HALAMANG GAMOT: TUBA

Ang tuba-tuba ay isang halamang gamot na may sayantipikong pangalan na Jotropha curcas, kilala sa Pilipinas bilang isang lunas sa pasa at natapilok na bukong-bukong.  Kulay pulang katas ang makukuha sa ugat nito at kulay asul naman sa kanyang balat.  Ang isa sa pinaka may pag-asa o inaasahan na parte ng punong ito ay ang kaniyang bunga na maaaring gawing alternatibong pangatong (biofuel). Ang halamang ito ay lumalaki ng mula sa isa hanggang 8 metro o mahigit pa, may malapad na dahon at may limang umbok, 5 hanggang 8 pulgada ang haba. ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG TUBA? 1. Rayuma . Karaniwang nilalaga ang pinatuyong dahon at ugat ng tuba upang maibsan ang pananakit ng kasukasuan dahil sa rayuma. 2. Kagat ng ahas . Maaari ding ipampahid ang dinikdik na dahon ng tuba sa kagat ng ahas upang maiwasan ang pamamaga at iba pang komplikasyon sa sugat. 3. Pilay . Makatutulong naman ang pagtatapal ng dahon na pinahiran ng langis at pinadaanan sa apoy sa pilay at ...

Ang Tamang Dami Ng pagkain

Binago ng US Department of Agriculture ang food pyramid na ginagamit ng mga nakalipas na taon. Pinalitan na ito Healthy Plate.Ano ba ibig sabihin nito? Kung dati ay nakakalito ang ibig sabihin ng food pyramid. ngayon ay malinaw na ang mensahe. Sa healty Plate.  nakakahati sa apat ang iyong plato. 1. Ang kalahating iyong plato ay dapat nakalaan sa gulay at prutas. Hindi tulad nating mga pinoyna halos buong plato ay puro kanin. Mali po iyan. Masustansya ang gulay  tulad ng kangkong, pechay, okra, barcoli at ampalaya. Luttin lang ito sa kamatis at sibuyas. Huwag nang lagyan ng taba ng baboy. 2. Ang pinakamasustansya prutas ay ang mansanas, saging  peras. strawberry at dalandan. limitahan lamang ang pagkainng mangga at ubas dahil nakakataba ito.sa bawat kainan.ang isang serving ng prutas ay katumabas lamang ng isang pisngi ng mangga o 10 pirasong ubas. 3.Ang one- fourthng plato ay para sa protina tulad ng isda.karne, bean at tokwa. Umiwas sa pagkain ng karneng baka at ...