Lumaktaw sa pangunahing content

Ubo ng Ubo


Ang ubo ay puwedeng dahil sa trangkaso (flu), sipon, allergy, sigarilyo, pulmonya (pneumonia), namamagang tonsils at tuberculosis.
Sa mga sakit na ito, ang pulmonya at tonsillitis ay nangangailangan inuman ng antibiotics. Ang tuberculosis naman ay ginagamot sa loob ng 6 na buwan. 
Subalit para sa pangkaraniwang sanhi ng ubo, heto ang dapat gawin:
1. Uminom ng 8 hanggang 10 basong tubig. Pinapalabnaw ng tubig ang madidikit na plema. 
2. Uminom ng mainit na salabat o sabaw ng manok. Ang pag-inom ng mainit na sabaw ay nagpapaluwag ng mga tubo natin sa baga. 
3. Itigil ang paninigarilyo. Umiwas sa mga bisyo.
4. Uminom ng Vitamin C para lumakas ang ating immune system. 
5. Uminom ng tsa-a na may honey at lemon. Mabisa ang honey sa pagkalma ng naiiritang lalamunan. Ang lemon ay may vitamin C.


6. Umiwas sa sakit. Kung ika’y may mga sakit na, tulad ng altapresyon at diabetes, umiwas sa nakapapagod na gawain at pagpunta sa mausok na lugar.
7.Magpabakuna laban sa flu at pulmonya kung ika’y lampas sa edad 60
8.Gamutin ang pangangasim na sikmura. Puwede ding magdulot ng pag-ubo ang asido na galing sa sikmura.
9.Gumamit ng 2 unan sa gabi. Kung may allergy ka o sipon, makatutulong ang paghiga na medyo mataas ang iyong ulo.
10.Tingnan kung may iniinom kang gamot tulad ng Ace-inhibitor para sa altapresyon dahil puwede itong magdulot ng ubo. Ang Ace-inhibitor ay mga gamot na nagtatapos sa salitang “-pril,” tulad ng imidapril, enalapril, at iba pa. Itanong sa iyong doktor.
11.Lumanghap ng mainit at basang (moist) hangin. Pinapaluwag nito ang plema sa ating baga. Puwede ka rin manatili sa banyo kung saan dumadaloy ang mainit na shower o gripo. Ang usok nito ay nagpapalabnaw ng iyong plema. Isa pang paraan ay ang paglanghap ng mainit na usok ng tubig sa ibabaw ng palanggana o kaldero.
12.Umiwas sa mausok na lugar. Puwedeng sumakay sa mga air-con na bus at jeep. Huwag din gaanong maglakad sa lansangan. Umiwas sa mga taong naninigarilyo. 
13. Ilabas ang sipon. Kung ika’y may sipon, suminga ng madalas para hindi tumulo ang sipon sa iyong lalamunan na puwedeng magdulot ng pag-ubo.
14.Gamot para sa tuyong ubo (dry cough): Para sa nakakaistorbong ubo, uminom ng butamirate citrate o dextromethorphan syrup. Kung allergy naman ang dahilan ng ubo, puwede and Diphenhydramine.
15.Gamot para sa ubong may plema: Puwedeng uminom ng mga gamot tulad ng carbocisteine, ambroxol at lagundi para lumabnaw ang plema. Ngunit huwag ganoong umasa sa mga ito. Tubig pa rin ang mas mabisa.
16.Umiwas sa nakaka-allergy na bagay. Maraming ubo ay allergy ang dahilan. Puwedeng magka-allergy sa usok, sa balahibo ng pusa at aso, sa matatapang na pabango, at sa pollen mula sa halaman. 
17Magpahinga at matulog ng mahaba. Ito ang pinakamabisang payo sa lahat para maka-recover ang iyong katawan. Good luck po.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

HALAMANG GAMOT: TUBA

Ang tuba-tuba ay isang halamang gamot na may sayantipikong pangalan na Jotropha curcas, kilala sa Pilipinas bilang isang lunas sa pasa at natapilok na bukong-bukong.  Kulay pulang katas ang makukuha sa ugat nito at kulay asul naman sa kanyang balat.  Ang isa sa pinaka may pag-asa o inaasahan na parte ng punong ito ay ang kaniyang bunga na maaaring gawing alternatibong pangatong (biofuel). Ang halamang ito ay lumalaki ng mula sa isa hanggang 8 metro o mahigit pa, may malapad na dahon at may limang umbok, 5 hanggang 8 pulgada ang haba. ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG TUBA? 1. Rayuma . Karaniwang nilalaga ang pinatuyong dahon at ugat ng tuba upang maibsan ang pananakit ng kasukasuan dahil sa rayuma. 2. Kagat ng ahas . Maaari ding ipampahid ang dinikdik na dahon ng tuba sa kagat ng ahas upang maiwasan ang pamamaga at iba pang komplikasyon sa sugat. 3. Pilay . Makatutulong naman ang pagtatapal ng dahon na pinahiran ng langis at pinadaanan sa apoy sa pilay at ...

Ang Tamang Dami Ng pagkain

Binago ng US Department of Agriculture ang food pyramid na ginagamit ng mga nakalipas na taon. Pinalitan na ito Healthy Plate.Ano ba ibig sabihin nito? Kung dati ay nakakalito ang ibig sabihin ng food pyramid. ngayon ay malinaw na ang mensahe. Sa healty Plate.  nakakahati sa apat ang iyong plato. 1. Ang kalahating iyong plato ay dapat nakalaan sa gulay at prutas. Hindi tulad nating mga pinoyna halos buong plato ay puro kanin. Mali po iyan. Masustansya ang gulay  tulad ng kangkong, pechay, okra, barcoli at ampalaya. Luttin lang ito sa kamatis at sibuyas. Huwag nang lagyan ng taba ng baboy. 2. Ang pinakamasustansya prutas ay ang mansanas, saging  peras. strawberry at dalandan. limitahan lamang ang pagkainng mangga at ubas dahil nakakataba ito.sa bawat kainan.ang isang serving ng prutas ay katumabas lamang ng isang pisngi ng mangga o 10 pirasong ubas. 3.Ang one- fourthng plato ay para sa protina tulad ng isda.karne, bean at tokwa. Umiwas sa pagkain ng karneng baka at ...

HALAMANG GAMOT: HARAS (ANIS)

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA HARAS (ANIS)? Ang iba’t ibang bahagi ng halamang anis ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan: Ang bunga ay makukuhanan ng volatile oil na may anethol. Mayroon din itong pectin, at pentosan May taglay din na linoleic acid, palmitic acid, at oleic acid ang langis nito ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO? Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng: Ugat. Ang ugat ay karaniwang inilalaga upang mainom bilang gamot. Buto. Ang mga buto ng anis ay maaaring ilaga at ihalo sa inumin. Maaari din itong dikdikin at gamitin sa panggagamot. Langis. Mabisa naman ang langis na nakuha mula sa buto ng anis para ilang kondisyon sa katawan. Ito’y pinangpapahid lamang. ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG HARAS (ANIS)? 1. Bulate sa tiyan. Pinaiinom ng 3-4 ml ng langis ng anis ang ...