Lumaktaw sa pangunahing content

Panlaban Sa Maraming Sakit Ang Saging


Saging na lakatan, latundan o saba. Healthy po lahat iyan.
Sobrang dami ang benepisyo ng saging para sa katawan natin:

1.Puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalu na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.

2. Tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.

3.Mabuti sa Colon - Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit ng bituka natin.

4.Parang Multivitamin - Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, parang uminom ka na ng multivitamin. Tipid pa!

5.Good for exercise – Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-Gym, kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa bag lagi, tulad ko.

6.Para sa stress at pang-relax – Alam ba niyo na ang saging ay may tryptophan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa atin at nagpapaganda ng ating emosyon. Kaya kung depressed ka dahil iniwan ka ng iyong 

7.  Baka makabawas ng Leukemia at Hika sa Bata – May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata o sanggol ay lagi mong papakainin ng saging, mas hindi sila hihikain, at hindi rin sila magkakaroon ng leukemia. Hindi pa ito tiyak, pero marami ang naniniwala nito. 

8 .Pang-baon talaga – Kaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o mangga sa bag? Hirap kainin hindi ba? Pero ang saging ay napakaganda ng lalagyan. Talagang ginawa ng Diyos para kainin.

9 .Puwede Sa May Diabetes – Puwede naman ang saging sa may diabetes. Mga 1 or 2 saging lang bawat araw. Piliin lang ang ripe pero hindi ang mga over-ripe na saging dahil matamis ito. Ang pinag-iiwas lang talaga sa diabetes ay ang asukal, kaning puti at mga matatamis na pagkain.
Kaya kahit may nararamdaman ka, kumain ka na ng saging para maging healthy at malakas.


ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA SAGING?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang saging ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Ang katas ng sanga ng bulaklak ng saging ay may potash, soda, lime, magnesia, alumina, chlorine, sulfuric anhydride, silica at carbon anhydride. Mayroon din itong vitamin B, oxalic acid, sulphate, vitamin C, starch, tannin, glycosides, phenolic compounds, gum mucilage
  • Ang bunga ng saging ay may mataas na lebel ng mineral na potassium. Mayroon din itong iron.
  • Ang hinog na bunga ay may taglay pa na vitamins A, B, at C

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
  • Dahon. Maaaring gamitin sa paggagamot ang dahon ng saging na karaniwang ipinangtatapal sa mga kondisyon sa katawan.
  • Ugat. Ang malambot na ugat ng saging ay maaaring pulbusin at ipanggamot. Maaari din itong katasa
  • Katas. Ang katas mula naman sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng halaman ng saging ay mabisa sa panggagamot. Maaaring kuhanan ng katas ang katawan ng halaman, o kaya ang sanga na tinutubuan ng bulaklak at bunga.
  • Bulaklak. Maaaring gamitin ang katas ng bulaklak o puso ng saging sa panggagamot. Ang pagkain mismo sa puso ng saging ay mabisa rin na panggamot.
  • Bunga. Ang bunga ng saging ay karaniwan namang kinakain lamang.

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG SAGING?

1. Sugat. Maaaring ipambalot o gawing dressing sa sugat ang batang dahon ng saging.
2. Pagtatae. Dapat inumin ang katas ng mula sa katawan ng halaman na saging upang maibsan ang pakiramdam ng pagtatae. Makatutulong din para sa ganitong kondisyon ang pagkain sa hinog na bunga ng saging.
3. Pananakit sa loob ng tenga. Ang katas ng bulaklak ng saging ay maaaring ipatak sa loob ng tenga na may pananakit.
4. Diabetes. Mabisa para sa sakit na diabetes ang pagkain sa bulaklak ng saging na ginulay.
5. Pangangasim ng sikmura. Ang hilaw naman na saging ay maaaring kainin para maibsan ang pakiramdam ng pangangasim sa sikmura.
6. Paglalagas ng buhok. Nakatutulong ang paglalagay ng katas ng katawan ng halaman na mapanumbalik ang sigla ng pagtubo ng buhok sa ulo. Dapat lamang ipahid ito sa anit na may pagnipis ng buhok.
7. Anemia. Maaari namang ipainom sa pasyenteng dumadanas ng anemia ang pinaglagaan ugat ng halamang saging.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tamang oras ng pagtulog

1. Ibagay ang tulog sa iyong edad. Kapag tayo’y wala pang 20 years old, puwedeng 9-10 na oras ang tulog. Ngunit pagdating natin sa edad 30 at 40, mas maikli na ang tulog sa 7-8 na oras. Kapag lampas na sa edad 60 at 70, nagiging 6 na oras na lang ang tulog. Gayunpaman, kailangan pa rin ng ating katawan ang lakas at sigla na naibibigay lamang ng tulog. 2. Huwag din lalampas sa 10 oras na tulog. May pagsusuri din na masama ang sobrang pagtulog. Baka may sakit ka na. 3. Kung kulang ka sa tulog, mag-siyesta sa hapon para mapunuan ang kailangan mong 8 oras na pahinga. 4. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na. 6. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na. 5. Tama ang sabi ng matatanda, dapat maaga matulog, at maaga din magising. Bukod sa mabuti sa katawan, ito din ang ga...

10 SENYALES NG SAKIT SA PUSO

Ang mga senyales ng sakit ay naiiba-iba depende sa kondisyon na dinadanas, ngunit ang mga sumusunod na sintomas ay ang mga karaniwan na maaaring maranasan. 1. Kawalan ng gana sa pagkain Pangkaraniwan din na kondisyon ang biglang pagkawala ng gana sa pagkain sa oras na makaramdam ng ilang mga sintomas ng sakit sa puso. 2. Pagkabalisa Sinasabing ang mga may sakit sa puso, lalo na yung may pagbabadya ng atake sa puso, ay maaaring dumanas ng pagkabalisa o anxiety. Dahil ito sa takot sa kamatayan na maaaring maranasan sa kasagsagan ng atake sa puso. 3. Panghihina ng katawan Agad na manghihina ang katawan ng tao ilang araw bago o sa mismong panahon ng pag-atake sa puso. Ayon sa mga taong nakaligtas sa atake sa puso, kahit ang paghawak sa papel sa pagitan ng mga daliri ay mahirap gawin sa kasagsagan ng panghihina ng katawan.  4.Pananakit sa dibdib Siyempre pa, maaaring dumanas ng pananakit sa dibdib ang taong may sakit sa puso. Sa katunayan, ito ang pangunahing sen...