1. Ibagay ang tulog sa iyong edad. Kapag tayo’y wala pang 20 years old, puwedeng 9-10 na oras ang tulog. Ngunit pagdating natin sa edad 30 at 40, mas maikli na ang tulog sa 7-8 na oras. Kapag lampas na sa edad 60 at 70, nagiging 6 na oras na lang ang tulog. Gayunpaman, kailangan pa rin ng ating katawan ang lakas at sigla na naibibigay lamang ng tulog.
2. Huwag din lalampas sa 10 oras na tulog. May pagsusuri din na masama ang sobrang pagtulog. Baka may sakit ka na.
3. Kung kulang ka sa tulog, mag-siyesta sa hapon para mapunuan ang kailangan mong 8 oras na pahinga.
4. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na.6. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na.
5. Tama ang sabi ng matatanda, dapat maaga matulog, at maaga din magising. Bukod sa mabuti sa katawan, ito din ang gawain ng mga masisipag at umaasenso sa buhay.
6. Kung may trabaho ka sa gabi, bawiin na lang sa araw. Eh, paano na ang mga nagta-trabaho sa call centers, mga night shift at may gimmick sa gabi? Iba pa rin kasi ang tulog sa gabi kumpara sa tulog sa araw. Alam ng katawan natin na gabi na dahil wala nang araw.
Para makabawi sa tulog, ayusin ang iyong kuwarto na maging madilim. Lagyan ng takip ang mga bintana. Subukan din makatulog ng 7-8 oras para makabawi sa puyat sa gabi.
7. Ang tulog mula 11 PM hanggang 3 AM ay napakahalaga. Ito ang panahon na naghihilom ang ating atay at buong katawan.
8. Matulog ng 8 oras bawat araw, mula 10 PM hanggang 6 AM. Oo, alam ko marami sa atin ay kaya matulog ng 5 oras lang. Kung ika’y may edad na, baka puwede na ito, pero mas mainam pa rin ang makatulog ng 8 oras. Kung hindi ka na inaantok, ay puwede naman humiga na lang sa kama at magpahinga. Nakaka-relax na rin ito.
1.) 1-4 months: 15-16 hours per day
Karaniwang puro tulog lang ang ginagawa ng newborn babies. Hindi pa kasi sila nakakapag-adjust sa biological clock nila kaya ang sleep patterns nila ay iba-iba pa. Ito ang dahilan kung bakit karamihan sa mga newborn babies ay gising tuwing madaling araw.
Ayon sa mga pediatrician, sanayin natin sa tamang sleeping pattern ang babies at huwag po natin itong baguhin dahil maaaring makaapekto ito sa growth nila.
2.) 4-12 months old: 14-15 hours per day
Kinakailangang maayos na ang sleeping habits sa stage na ito. Sa pagtanda at paglaki ng ating babies, marunong na siyang makipag socialize and interact kaya ang sleeping patterns niya ay medyo pang mas matanda na.
Usually, 2 to 3 nap times during day time at isang tuluy-tuloy na tulog naman sa gabi sa ganitong edad ni baby.
3.) 1 to 3 years old: 12-14 hours per day
Nababawasan na ang tulog ng mga bata sa ganitong stage. Karaniwang wala na ang morning or afternoon naps nila. Minsan pa, sa toddler age, up to 10 hours lang ang tulog nila.
4.) 3-6 years old: 10-12 hours per day
Typically, natutulog na ang mga bata between 7 and 9 p.m., at nagigising between 6 and 8 a.m.
Umiikli na rin talaga ang nap times nila at ang iba ay hindi na talaga natutulog.
5.) 7-12 years old: 10-11 hours per day
Dito na talagang nababawasan ang tulog ng mga bata. Dahil sa maraming demands gaya ng school, social and family activities, ginagabi na rin ang tulog nila. Pero dapat, nag-aaverage pa rin sa 10 hours per day ang tulog nila para manatiling malusog.
6.) 12-18 years old: 8-9 hours per day
Ito na ang normal sleeping hours ng adulthood. Kailangan nang mapanatili ang ganito para mas maging healthy and functional throughout the day.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento