Lumaktaw sa pangunahing content

tamang pagpapaligo sa mga baby

Ang alcohol pwede ring malanghap na pwedeng umabot sa toxic level sa katawan na pwedeng umabot sa coma o sa ano pang malubhang side effect.
ay madaling ma-absorb ng balat at
Pangalawa ang alcohol sa buong katawan ay nakakatuyo ng natural moisture ng baby at mas nagiging madali silang magkarashes kung ganoon.
Ang rubbing alcohol ay pwede naman sa konteng amount sa kamay o sa balat para lang disinfectant.
Ito po kasi ay matagal na kaugalian nating mga Pilipino subalit matagal na po ako nakabasa sa isang pahayagan dito sa Pilipinas ng public warning na ipinagbabawal na po ito na ihalo sa tubig pampaligo. Mga sobra isang dekada na po yun. Dahil raw may report na may nag coma. Alalahanin na ang baby ay maliit lang ang katawan kaya mas madaling tumaas ang toxic level ng alcohol sa kanilang katawan.
Napansin ko kasi sa isang post ko na marami pa rin pala ang nagpapapractice nito basi sa mga comments nila.
Kaya pakishare nalang po ito para pa-alala sa mga magulang, lolo at lola.
Tubig at sabon ng pambata ay sakto napo para luminis si baby.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tamang oras ng pagtulog

1. Ibagay ang tulog sa iyong edad. Kapag tayo’y wala pang 20 years old, puwedeng 9-10 na oras ang tulog. Ngunit pagdating natin sa edad 30 at 40, mas maikli na ang tulog sa 7-8 na oras. Kapag lampas na sa edad 60 at 70, nagiging 6 na oras na lang ang tulog. Gayunpaman, kailangan pa rin ng ating katawan ang lakas at sigla na naibibigay lamang ng tulog. 2. Huwag din lalampas sa 10 oras na tulog. May pagsusuri din na masama ang sobrang pagtulog. Baka may sakit ka na. 3. Kung kulang ka sa tulog, mag-siyesta sa hapon para mapunuan ang kailangan mong 8 oras na pahinga. 4. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na. 6. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na. 5. Tama ang sabi ng matatanda, dapat maaga matulog, at maaga din magising. Bukod sa mabuti sa katawan, ito din ang ga...

10 SENYALES NG SAKIT SA PUSO

Ang mga senyales ng sakit ay naiiba-iba depende sa kondisyon na dinadanas, ngunit ang mga sumusunod na sintomas ay ang mga karaniwan na maaaring maranasan. 1. Kawalan ng gana sa pagkain Pangkaraniwan din na kondisyon ang biglang pagkawala ng gana sa pagkain sa oras na makaramdam ng ilang mga sintomas ng sakit sa puso. 2. Pagkabalisa Sinasabing ang mga may sakit sa puso, lalo na yung may pagbabadya ng atake sa puso, ay maaaring dumanas ng pagkabalisa o anxiety. Dahil ito sa takot sa kamatayan na maaaring maranasan sa kasagsagan ng atake sa puso. 3. Panghihina ng katawan Agad na manghihina ang katawan ng tao ilang araw bago o sa mismong panahon ng pag-atake sa puso. Ayon sa mga taong nakaligtas sa atake sa puso, kahit ang paghawak sa papel sa pagitan ng mga daliri ay mahirap gawin sa kasagsagan ng panghihina ng katawan.  4.Pananakit sa dibdib Siyempre pa, maaaring dumanas ng pananakit sa dibdib ang taong may sakit sa puso. Sa katunayan, ito ang pangunahing sen...

Panlaban Sa Maraming Sakit Ang Saging

Saging na lakatan, latundan o saba. Healthy po lahat iyan. Sobrang dami ang benepisyo ng saging para sa katawan natin: 1. Puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalu na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw. 2.  Tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan. 3. Mabuti sa Colon - Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit ng bituka natin. 4. Parang Multivitamin - Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, parang uminom ka na ng multivitamin. Tipid pa! 5. Good for exercise – Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-Gym, kailangan mo ng saging ...