Lumaktaw sa pangunahing content

10 SENYALES NG SAKIT SA PUSO


Ang mga senyales ng sakit ay naiiba-iba depende sa kondisyon na dinadanas, ngunit ang mga sumusunod na sintomas ay ang mga karaniwan na maaaring maranasan.


1. Kawalan ng gana sa pagkain

Pangkaraniwan din na kondisyon ang biglang pagkawala ng gana sa pagkain sa oras na makaramdam ng ilang mga sintomas ng sakit sa puso.

2. Pagkabalisa

Sinasabing ang mga may sakit sa puso, lalo na yung may pagbabadya ng atake sa puso, ay maaaring dumanas ng pagkabalisa o anxiety. Dahil ito sa takot sa kamatayan na maaaring maranasan sa kasagsagan ng atake sa puso.

3. Panghihina ng katawan

Agad na manghihina ang katawan ng tao ilang araw bago o sa mismong panahon ng pag-atake sa puso. Ayon sa mga taong nakaligtas sa atake sa puso, kahit ang paghawak sa papel sa pagitan ng mga daliri ay mahirap gawin sa kasagsagan ng panghihina ng katawan.
 4.Pananakit sa dibdib
Siyempre pa, maaaring dumanas ng pananakit sa dibdib ang taong may sakit sa puso. Sa katunayan, ito ang pangunahing senyales na maaaring maranasan sa pagkakaroon ng anumang karamdaman sa puso. Ang pananakit ay nararamdaman mula sa gitna ng dibdib at gumagapang papunta sa kaliwa ng dibdib.

3. Pagkahilo

Ang pagkahilo ay isa rin sa mga pangunahing senyales ng sakit sa puso. Maaaring ito ay dahil sa kakulangan ng sapat na suplay ng dugo sa ulo na nagaganap dahil sa iregularidad sa paggana ng puso.

6. Madaling pagkapagod

Ang anumang iregularidad sa paggana ng puso ay maaaring magreresulta din sa mabilis na pagkapagod ng katawan, kung kaya, hindi dapat pabayaan ang senyales na ito. Kinakailangan ang agarang pagpapatingin sa doktor kung sakaling mapadalas ang pagkapagod.

7. Pananakit sa iba pang bahagi ng katawan

Makararanas din pananakit sa ibang bahagi ng katawan partikular sa batok, balikat, braso, at panga. Hanggat hindi nareresolbahan ang problema sa puso, ang pananakit ay patuloy na kakalat sa iba pang bahagi ng katawan hanggang sa sumapit ang pag-atake sa puso.

8. Mabilis o iregular na pulso

Ang pabago-bagong ritmo ng tibok ng puso at pulso ay maiuugnay sa pagkakaroon ng karamdaman sa puso lalo na kung kaakibat pa nito ang panghihina ng katawan, pagkahilo, at pananakit sa ilang bahagi ng katawan.

9. Hirap sa paghinga

Ang paghirap ng paghinga, bagaman maaari din itong sintomas ng ibang sakit gaya ng hika o COPD,  ay isa ring malinaw na senyales ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Hindi ito maaaring balewalain lalo na kung kaakibat nito ang iba pang senyales ng sakit sa puso.

10. Pagpapawis.

Karaniwang pinagpapawisan ng malamig ang taong dumadanas ng mga pagbabadiya ng atake sa puso. Kahit pa walang ginagawa at nakaupo lang, kung maramdaman ang mga pananakit at iba pang sintomas ng sakit, tiyak na pagpapawisan.


SAKIT SA PUSO SA KABABAIHAN

Ang sakit sa puso ay ang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa mundo. Dati rati ay iniisip natin na ang mga lalaki lamang ang madalas nagkakasakit sa puso. Pero ayon sa bagong datos, dumarami na ang mga babaeng inaatake sa puso.
Bakit ito nangyayari? 


1. Kapag ang babae ay nag-menopause o lampas na sa edad 50, tumataas na ang tsansa niyang magkasakit sa puso. Ito ay dahil nawawala na ang proteksyon na ibinibigay ng estrogen hormones. Kapag wala nang regla ang babae, bumababa na ang kanyang estrogen hormones. Sa katunayan, kapag lumampas na sa edad 65, may pagkakataon na mas marami pang babae ang inaatake sa puso kumpara sa lalaki.
2. Iba ang sintomas ng atake sa puso (heart attack) sa lalaki kumpara sa babae. Sa mga lalaki, nakakaramdam sila ng paninikip ng dibdib. Ngunit sa mga babae, ang sintomas nila ay kakaiba tulad ng hirap sa paghinga, pagsusuka, pagkahilo at pagkawala ng malay. Minsan ay hindi sumasakit ang dibdib ng mga babaeng inaatake sa puso. Dahil dito, dapat ay maging maagap at dalhin agad ang pasyente sa ospital kapag may ganitong sintomas.
3. Mas maraming babae ang matataba kumpara sa lalaki. Ayon sa pagsusuri, 31% ng mga kababaihan edad 50 hanggang 65 ang sobra sa timbang o overweight. Kung ikukumpara sa mga lalaki, 4.3% lang ang matataba. Nakakagulat hindi ba? Marahil ito ay dahil inuubos ng mga nanay ang tiring pagkain sa bahay.
Bukod sa mga nabanggit, may mga risk factors na parehong nakikita sa kalalakihan at kababaihan. Tataas ang tsansa mong magkasakit sa puso kung ikaw ay mayroon ng mga sumusunod: high blood pressure, mataas ang cholesterol, may diabetes, naninigarilyo, kulang sa ehersisyo at may lahi ng sakit sa puso.
Tandaan: Nakamamatay ang sakit sa puso. Ingatan ang iyong puso sa pamamagitan ng tamang pamumuhay at pag-inom ng maintenance na gamot kung kinakailangan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tamang oras ng pagtulog

1. Ibagay ang tulog sa iyong edad. Kapag tayo’y wala pang 20 years old, puwedeng 9-10 na oras ang tulog. Ngunit pagdating natin sa edad 30 at 40, mas maikli na ang tulog sa 7-8 na oras. Kapag lampas na sa edad 60 at 70, nagiging 6 na oras na lang ang tulog. Gayunpaman, kailangan pa rin ng ating katawan ang lakas at sigla na naibibigay lamang ng tulog. 2. Huwag din lalampas sa 10 oras na tulog. May pagsusuri din na masama ang sobrang pagtulog. Baka may sakit ka na. 3. Kung kulang ka sa tulog, mag-siyesta sa hapon para mapunuan ang kailangan mong 8 oras na pahinga. 4. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na. 6. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na. 5. Tama ang sabi ng matatanda, dapat maaga matulog, at maaga din magising. Bukod sa mabuti sa katawan, ito din ang ga...

Panlaban Sa Maraming Sakit Ang Saging

Saging na lakatan, latundan o saba. Healthy po lahat iyan. Sobrang dami ang benepisyo ng saging para sa katawan natin: 1. Puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalu na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw. 2.  Tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan. 3. Mabuti sa Colon - Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit ng bituka natin. 4. Parang Multivitamin - Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, parang uminom ka na ng multivitamin. Tipid pa! 5. Good for exercise – Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-Gym, kailangan mo ng saging ...