Ang sintomas ng dengue ay ang paglalagnat ng 2 hanggang 5 araw. Kapag nawala na ang lagnat, dito na nag-uumpisa ang peligro dahil puwedeng duguin ang pasyente.
Kadalasan ay dumudugo ang bibig, ilong o nagiging maitim ang dumi (dugo ito sa dumi). Mapapansin din natin na kakaiba ang hitsura ng pasyente dahil sila’y matamlay, maputla at parang maysakit tingnan.
Kung suspetsa niyo ay dengue ang sakit, magpatingin agad sa clinic o ospital para mag-pa-blood test tulad ng Dengue test at complete blood count with platelet count. Bantayan ang pagbaba ng platelet count at baka kailangan na magpa-confine sa ospital.
Sa ngayon ay supportive therapy ang binibigay sa dengue patient. Paglagay ng suero, gamot sa lagnat at iba pa. May nagsasabi na may tulong ang tawa-tawa pero hindi pa ito tiyak.
Ang mahalaga ay hindi ma-dehydrate ang batang may dengue.

Paano tayo iiwas sa dengue? Sundin itong mga paraan:
1. Maglinis ng bahay maigi. Tanggalin ang lahat ng kalat at basura sa bakuran at sa loob din ng bahay.
2. Kausapin ang barangay para magkaroon ng “Dengue Clean-up Day.” Kahit malinis ang iyong bahay, kung madumi ang iyong katabing bahay, puwede ka pa rin ma-dengue.
3. Alisin ang mga nag-iipong tubig sa mga lumang gulong, timba, flower vase, bunot ng buko, nag-iipong tubig baha, o tabing estero.
4. Isara ang pinto at bintana sa bahay palagi. Kung pupuwede, maglagay ng screen sa pintuan at mga bintana.
5. Magsuot ng pajama, long pants at long sleeves. Kausapin ang prinicipal na payagang mag-long pants ang mga bata.
6. Maglagay ng Off lotion sa iyong baro. Kapag nasa labas ng bahay ang bata, lagyan sila ng Off lotion sa iba’t ibang parte ng baro, mula ulo hanggang paa. Huwag ipahid ang lotion sa balat at baka ma-allergy ka.
7. Magkulambo kapag natutulog.
8. Paminsan-minsan, gumamit ng insecticide. Kung mag-i-spray kayo ng insecticide, siguraduhing walang tao sa kuwarto o bahay sa loob ng 2 oras. Huwag mag-spray sa kusina at baka malagyan ng lason ang iyong pagkain.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento