Lumaktaw sa pangunahing content

Mga paraan ng paggamot para sa sakit ng ulo


Tulad ng nabanggit na, ang gamot sa sakit ng ulo ay dumedepende sa sanhi nito. Ito ay maaaring gamit ang medikal na pamamaraan, paggamit ng alternatibong gamot (halamang gamot), o sa pamamagitan ng holistikong paggagamot. Upang iyong mas maintindihan, narito ang iba't-ibang pamamaraan na maaaring makatulong upang malunasan ang sakit ng ulo.

Medikal

Sa pamamaraang medikal, mahalagang pakiramdaman muna ang sarili sa nararamdamang sakit ng ulo. Kung ito ba'y may kasamang lagnat, pananakit ng kalamnan, gutom, o pagkahilo na maaaring resulta ng kaunti o labis na tulog, labis na paninigarilyo, pabago-bagong klima, labis na pagkapagod o stress sa trabaho, eskwela, o tahanan, o di kaya'y paninibago sa gamot na ininom para sa partikular na sakit o mantensyon (maintenance).
Kung nalaman na ang maaaring pinag-ugatan o sanhi ng pananakit, kumonsulta sa doktor para sa kaukulang gamot na maaaring inumin o kung may dapat bang gawin o baguhin sa araw-araw na karaniwang gawain. Kung ang pananakit ng ulo ay sanhi ng pamamaga ng sinus o baradong ilong, maaaring magrekomenda ng decongestant ang doktor upang mabawasan ang inflammation o pamamaga. Posible ring magrekomenda ang doktor ng antibiotic kung may impeksyon, antihistamine kung may allergy, pampakalma para sa tensyon o stress, at anti-depressant para sa may psychiatric o mental disorder.
Matapos maresetahan ay ugaliin na lamang na sundin ang instruksiyon ng doktor upang maging mas mabisa at mapabilis ang paglulunas sa sanhi ng pananakit ng ulo.

Holistikong Paggamot

Sa tulong ng holistikong paggagamot, napapawi ang sakit ng ulo na dala ng tensyon na maaaring nag-ugat sa maling pag-aalaga ng katawan. Base sa ilang nakagawian, nakatutulong ang pag-inom ng herbal tea tulad ng mint tea at macha na napatunayang nakabubuti sa kalusugan. Maaari ring magpahilot gamit ang mga mahalimuyak na langis na kilala sa Ingles bilang aromatherapy, mag-aral ng yoga upang maibsan ang pananakit sa iba't ibang parte ng katawan, magpamasahe sa eksperto, at higit sa lahat, ugaliing uminom ng tubig hanggang walong baso sa isang araw bilang ang tubig ay napatunayan na at patuloy na inirerekomenda ng mga espesyalista upang mapagpabuti ang kalusugan. Sa madaling salita, ang holistikong paggamot ay naglalayon na iwasan ang karaniwang pananakit ng ilang bahagi ng katawan gaya na lamang ng pananakit ng ulo at nang hindi ito magdulot ng malubhang sakit.

Alternatibong Gamot

Tulad ng ibang sakit, ang sakit ng ulo ay maaari ring maibsan sa pamamagitan ng alternatibong gamot tulad ng halamang gamot o acupuncture. Ang acupuncture ay nakapagpapaginhawa ng katawan at nakakapagluwag ng daloy ng enerhiya at dugo sa katawan. Ito ay nakatutulong sa pagpapasigla ng ilang bahagi ng katawan gaya ng ulo, kamay, paa, at leeg kagya't mas nagiging maayos ang estado ng pag-iisip at naiiwasan o naiibsan ang sakit ng ulo. Kung sa halamang gamot nama'y maaaring gumamit ng luya pagkat ito ay kilalang epektibong halamang gamot na nakatutulong sa paglunas ng mga sakit. Pakuluan lamang ito at saka inumin na parang tsaa (salabat). Sa tulong ng luya, bumababa ang sintomas ng implamasyon at sakit na nararamdaman sa katawan.

Mga paraan upang mabawasan ang sakit ng ulo

Magpahinga

Ang pagpapahinga ay hindi nangangahulugang umupo sa sofa at buong araw na manood ng TV, mag-surf sa iyong telepono o di kaya'y sa iyong laptop. Bagkus, ito ay dapat na nakatutulong nang maibsan ang pagod ng iyong mga mata at isip. Bukod pa rito, ang labis na paggamit ng gadget ay maaaring magdulot ng stress sa iyong katawan na syang dahilan upang sumakit ang ulo. Kung may oras ay ugaliing mamahinga sa iyong silid at iwasan ang distraksyon

Ointment

Kung nakararamdam ng sakit ng ulo, mangyari lamang na magpahid ng ointment (menthol) tulad ng Vicks VapoRub sa noo at sentido at saka masahiin. Matutulungan nitong ibsan ang nararamdamang sakit dahil sa cooling sensation na dala nito na sumusuot sa balat at nakapagpapagaan ng pakiramdam.

Salabat

Ang salabat ay ang tsaa na gawa sa pinaglagaang luya at kadalasang ginagamit sa paglunas ng matinding pananakit ng ulo o migraine. Ito ay sa kadahilanang ang luya ay mayaman sa kemikal na katulad ng karaniwang sangkap sa gamot para sa migraine na nabibili sa mga botika. Bukod sa mabisa ito ay madali rin itong gawin. Magpakulo lamang ng luya sa mainit na tubig at saka inumin ito na parang tsaa.

Inuming may caffeine

Base sa mga pag-aaral, ang caffeine ay nakatutulong sa pagpapawala ng sakit ng ulo. Sa katunayan ay may mga gamot na mabibili sa botika na naglalaman ng caffeine. Ang caffeine ay karaniwang makikitang sangkap sa kape, tsaa at cola at ang bawat tasa ng kape ay maaaring makabawas sa nararamdamang sakit ng ulo.

Mabilis na pagbuhos ng maligamgam na tubig (kapag maliligo)

Ito ay labis na kailangan kung ang pananakit ng ulo ay sanhi ng mainit na panahon. Mangyari lamang na mabilisang ibuhos ang maaligamgam na tubig sa pagligo upang maibsan ang pananakit ng ulo.

Cold o Hot Compress

Maaari ring ibsan ang pananakit ng ulo sa pamamagitan ng pagdadampi ng malamig o mainit (na tuwalya o bag), na tinatawag ring cold o hot compress. Mangyaring idampi muna ang hot compress sa bahaging nananakit at ulitin ito gamit ang cold compress. Ipagpatuloy ang proseso sa loob ng dalawampung minuto o hanggang sa bumuti na ang pakiramdam.

karaniwang sanhi ng pananakit ng ulo

ng pananakit ng ulo ay maaaring nag-ugat sa hormone o presyon ng dugo. Gayunpaman, marapat pa ring malaman kung ano-ano ang mga dahilan ng sakit ng ulo upang tuluyang malunasan ang sakit na nadarama.
  • Namamanang abnormalidad tulad ng pagkakaroon ng problema sa hormones ng katawan
  • Pagbabago ng daloy ng dugo o hangin sa utak at ang tuluyang pagbabara nito
  • Maling tindig o pustura ng katawan
  • Sobra - sobrang pag-aalala at pagkabahala
  • Labis na pagkapagod
  • Sobrag pagkalungkot
  • Sipon na nagreresulta sa baradong ilong
  • May allergy
  • Labis na pag-inom ng alak
  • Para sa mga babae, maaaring kung may regla o bago pa man magregla
  • Pabago-bagong klima
  • Mataas na lagnat
  • Gutom
  • Alta-presyon (hypertension) o istrok (stroke)
  • Madalas na pagpupuyat
  • Labis na paninigarilyo
  • Mataas na presyon na mararamdaman sa batok
  • May tumor sa utak
Para sa malubhang pananakit ng ulo, marapatin lamang na dumulog sa pinakamalapit na klinika o ospital at magpatingin sa doktor. Ang sintomas ng sakit ng ulo na kailangang idulog sa espesyalista ay:
  • (a) matinding pananakit ng ulo at nangyayari ito ng walang babala
  • (b) naninigas ang leeg o kaya'y nahihirapang ikilos ang leeg ng pakilawa o kanan at nilalagnat
  • (c) ang pananakit ng ulo ay may kasamang panlalabo ng paningin, pagkalito, pagkawalan ng malay, o bahagyang pagkaparalisa
  • (d) madalas na pananakit ng ulo na mas labis pa ang sakit kaysa dati o paulit-ulit na nangyayari ng walang babala.





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

BALBAS PUSA HALAMANG GAMOT SA SAKIT SA BATO

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG BALBAS PUSA? 1. Gout.  Ang gout at rayuma ay maaaring malunasan ng pag-inom sa tsaa na nagmumula sa dahon ng balbas pusa. 2. Hirap sa pag-ihi . Pinaiinom din ng tsaa ng balbas pusa ang taong dumadanas ng hirap sa pag-ihi. 3. Pananakit ng ngipin.  Maaaring ipanguya ang sariwang dahon ng balbas pusa sa taong nakararanas ng pananakit ng ngipin. Makatutulong kung isisiksik sa butas ng ngipin ang nginuyang dahon. 4. Sakit sa bato.  Ang mga kondisyon at karamdaman na may kaugnayan sa mgg bato (kidney) ay maaaring matulungan ng pag-inom sa tsaa ng dahon ng balbas pusa. 5. Problema sa pantog.  Pinaiinom din ng tsaa ng dahon ng balbas pusa ang taong may karamdaman as pantog. ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA BALBAS PUSA? Ang iba’t ibang bahagi ng halamang balbas pusa ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan: Ang dahon ng balbas pusa ay may mataas na lebe

HALAMANG GAMOT: TUBA

Ang tuba-tuba ay isang halamang gamot na may sayantipikong pangalan na Jotropha curcas, kilala sa Pilipinas bilang isang lunas sa pasa at natapilok na bukong-bukong.  Kulay pulang katas ang makukuha sa ugat nito at kulay asul naman sa kanyang balat.  Ang isa sa pinaka may pag-asa o inaasahan na parte ng punong ito ay ang kaniyang bunga na maaaring gawing alternatibong pangatong (biofuel). Ang halamang ito ay lumalaki ng mula sa isa hanggang 8 metro o mahigit pa, may malapad na dahon at may limang umbok, 5 hanggang 8 pulgada ang haba. ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG TUBA? 1. Rayuma . Karaniwang nilalaga ang pinatuyong dahon at ugat ng tuba upang maibsan ang pananakit ng kasukasuan dahil sa rayuma. 2. Kagat ng ahas . Maaari ding ipampahid ang dinikdik na dahon ng tuba sa kagat ng ahas upang maiwasan ang pamamaga at iba pang komplikasyon sa sugat. 3. Pilay . Makatutulong naman ang pagtatapal ng dahon na pinahiran ng langis at pinadaanan sa apoy sa pilay at iba pang

ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG LUYANG DILAW

1. Pananakit ng sikmura (abdominal spasm). Mabisa din ang pag-inom sa salabat ng luyang dilaw upang maibsan ang kondisyon ng pananakit ng  2. Lagnat. Pinapainom ng salabat ng luyang dilaw ang taong may mataas na lagnat upang mapabuti ang pakiramdam. 3. Bulate sa tiyan. Mabisa din na pangpurga sa mga bulate sa tiyan ang pag-inom sa katas ng luyang dilaw. 4. Kagat ng insekto. Pinapahiran din hiniwang luyang dilaw ang kagat ng insekto. 5. Sugat. Ginagamit din na panglinis sa mga sugat sa pamamagitan ng pagpapahid ng hiniwang luyang dilaw sa apektadong bahagi ng katawan. 6. Bulutong. Matutulungang mapabilis ang paghilom ng mga mga sugat na dulot ng bulutong sa pamamagitan ng pagpapahid ng pinulbos na luyang dilaw sa mga apektadong bahagi ng katawan. 7. Buni. Ang dinikdik na bulaklak ng luyang dilaw ay mabisa naman para sa buni sa balat. Pinapahid lamang ito sa apektadong lugar. 8. Pagtatae. Maari namang kainin ang luyang dilaw para maibsan ang kondisyon ng pagtatae.