Lahat tayo ay kailangan ng mga damit kaya tayo ay nabili nito.. Ang damit ang isa sa nagbibigay ng kompiyansa sa ating kaya nararapat lamang na ingatan natin ito.. Ito ang simpleng paraan upang maiwasan ang pagkupas ng kulay ng ating mga damit..
Una., ihiwalay ang puti sa mga de kolor.. Ihiwalay ang maliwanag na kulay na mga damit sa mga itim na damit.. Ihiwalay din ang pang alis na damit sa pang bahay na damit.. Ganun din ihiwaly ang maliwag na damit sa itim na kulay.. Ganun din ang gawin sa mga pang loob na kasuotan.. Gawin din ito sa salawal.. Pag sama-samahin ang mga pantalon.. Wag ito ihalo sa kahit anong kasuotan.. Pangalawang gagawin., unang isalang sa washing machine ang puti.. Pagkatapos ng puti isunod na isalang ang pang alis na maliwanag na kulay.. Matapos nito ay isalang naman ang panloob na kasuotan.. Sunod na isalang ang pang bahay na damit.. Pagkatapos ng pang bahay isunod ang mga pantalon.. Matapos ang pantalon maaari ng itapon ang tubig sa washing machine upang palitan ito ulit ng bagong tubig.. Kapag napalitan na ang tubig isalang naman ang de kulay na salawal.. Kung hindi naman kadamihan ang salawal at damit pang itaas na de kulay maari namang pag sabayin ang dalawa sa pag salang.. Kapag tapos na paikutin ang de kulay na salawal isunod naman ang mga de kulay na tuwalya., punda., at kobre kama.. Kapag tapos na ito huling isalang ang mga itim na kulay na damit.. Sa ganitong paraan ng paglalaba maiiwasan ang mabilis na pagkupas ng ating mga damit lalo na ang ating mga pang alis.. Sana sa simpleng paraan na ito ay makatulong ako sa inyo..
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento