Lumaktaw sa pangunahing content

ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG DALANGHITA

1. Rayuma. Maaaring matulungan ang kondisyon ng rayuma sa tulong ng pagbababad ng paa sa pinaglagaan ng dahon at balat ng bunga ng dalanghita. Maaari ding pahiran ng langis na nakuha mula sa balat ng bunga ang bahaging nananakit.

2. Ubo. Mabisang panglunas sa ubo ang mga citus fruit gaya ng dalanghita. Ang bunga ay maaaring katasan upang mainom o kaya ay kainin lamang. Mabisa din para sa ubo ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng halaman. Minsan pa, pinapainom din sa may ubo ang pinaglagaan ng balat ng bunga.

3. Pagdudumi. Matutulungan din daw ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ang kondisyon ng pagdudumi at dysenteria.

4. Sugat. Mahusay na panlinis sa bagong sugat ang sariwang katas ng dalanghita.

5. Pamamanas. Ang pamamaga o pamamanas na nararanasa sa ilang bahagi ng katawan ay maaaring pahiran ng tubig na pinaglagaan ng dahon ng dalanghita.

6. Pananakit ng sikmura. Ang pinulbos na dahon ng dalanghita ay maaaring ihalo sa inumin upang maibsan ang pananakit ng tiyan.

7. Pagkahilo. Maaaring pirisin ang balat ng bunga ng dalanghita sa butas ng ilong para maibsan ang pagkahilong nararanasan.

8. Pagsusuka. Dapat namang inumin ang pinaglagaan ng balat ng bunga na hinaluan ng hiniwang luya para matulungan ang kondisyon ng pagsusuka.



ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
  • Bunga. Ang bunga ay karaniwang kinakatasan upang mainom o kaya’y kainin lamang
  • Ugat. Maaari namang ilaga ang ugat at ipainom sa may sakit.
  • Dahon. Karaniwan namang pinapatuyo sa araw ang dahon upang pulbosin at ihalo sa inumin. Maaari ding ilaga ang sariwang dahon upang magamit sa ilang kondisyon
  • Balat ng bunga. Maaari namang ilaga ang balat ng bunga at ipainom sa ilan pang kondisyon

NO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA DALANGHITA?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang dalanghita ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Ang balat ng bunga ay may taglay na volatile oil, limonene, methylanthranillic acid, at methyl ester
  • Ang katas ng bunga ay makukuhanan ng citric acid,vitamins A, B, at C at hesperidin

Dalandan

Hindi lang mayaman sa bitamina C ang prutas ng dalandan, ang dahon nito ay gamot din sa hilo at kabag.

Paraan:
a) Lamukusin ang ilang pirasong dahon at amoy-amuyin para mawala ang pagkahilo.

b) Katasin ang dahon at ipahid ang katas sa sikmura.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tamang oras ng pagtulog

1. Ibagay ang tulog sa iyong edad. Kapag tayo’y wala pang 20 years old, puwedeng 9-10 na oras ang tulog. Ngunit pagdating natin sa edad 30 at 40, mas maikli na ang tulog sa 7-8 na oras. Kapag lampas na sa edad 60 at 70, nagiging 6 na oras na lang ang tulog. Gayunpaman, kailangan pa rin ng ating katawan ang lakas at sigla na naibibigay lamang ng tulog. 2. Huwag din lalampas sa 10 oras na tulog. May pagsusuri din na masama ang sobrang pagtulog. Baka may sakit ka na. 3. Kung kulang ka sa tulog, mag-siyesta sa hapon para mapunuan ang kailangan mong 8 oras na pahinga. 4. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na. 6. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na. 5. Tama ang sabi ng matatanda, dapat maaga matulog, at maaga din magising. Bukod sa mabuti sa katawan, ito din ang ga...

10 SENYALES NG SAKIT SA PUSO

Ang mga senyales ng sakit ay naiiba-iba depende sa kondisyon na dinadanas, ngunit ang mga sumusunod na sintomas ay ang mga karaniwan na maaaring maranasan. 1. Kawalan ng gana sa pagkain Pangkaraniwan din na kondisyon ang biglang pagkawala ng gana sa pagkain sa oras na makaramdam ng ilang mga sintomas ng sakit sa puso. 2. Pagkabalisa Sinasabing ang mga may sakit sa puso, lalo na yung may pagbabadya ng atake sa puso, ay maaaring dumanas ng pagkabalisa o anxiety. Dahil ito sa takot sa kamatayan na maaaring maranasan sa kasagsagan ng atake sa puso. 3. Panghihina ng katawan Agad na manghihina ang katawan ng tao ilang araw bago o sa mismong panahon ng pag-atake sa puso. Ayon sa mga taong nakaligtas sa atake sa puso, kahit ang paghawak sa papel sa pagitan ng mga daliri ay mahirap gawin sa kasagsagan ng panghihina ng katawan.  4.Pananakit sa dibdib Siyempre pa, maaaring dumanas ng pananakit sa dibdib ang taong may sakit sa puso. Sa katunayan, ito ang pangunahing sen...

Panlaban Sa Maraming Sakit Ang Saging

Saging na lakatan, latundan o saba. Healthy po lahat iyan. Sobrang dami ang benepisyo ng saging para sa katawan natin: 1. Puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalu na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw. 2.  Tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan. 3. Mabuti sa Colon - Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit ng bituka natin. 4. Parang Multivitamin - Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, parang uminom ka na ng multivitamin. Tipid pa! 5. Good for exercise – Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-Gym, kailangan mo ng saging ...