ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG BALBAS PUSA?
1. Gout. Ang gout at rayuma ay maaaring malunasan ng pag-inom sa tsaa na nagmumula sa dahon ng balbas pusa.
2. Hirap sa pag-ihi. Pinaiinom din ng tsaa ng balbas pusa ang taong dumadanas ng hirap sa pag-ihi.
3. Pananakit ng ngipin. Maaaring ipanguya ang sariwang dahon ng balbas pusa sa taong nakararanas ng pananakit ng ngipin. Makatutulong kung isisiksik sa butas ng ngipin ang nginuyang dahon.
4. Sakit sa bato. Ang mga kondisyon at karamdaman na may kaugnayan sa mgg bato (kidney) ay maaaring matulungan ng pag-inom sa tsaa ng dahon ng balbas pusa.
5. Problema sa pantog. Pinaiinom din ng tsaa ng dahon ng balbas pusa ang taong may karamdaman as pantog.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA BALBAS PUSA?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang balbas pusa ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
- Ang dahon ng balbas pusa ay may mataas na lebel ng potassium salts. ANg pinatuyong dahon naman ay may langis at orthosiphonin na isang alkaloid.
- Taglay ng ilan pang bahagi ng halaman ang flavonoids, carbohydrates, tannins, saponins, phenols, at terpenoids.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
- Dahon. Ang dahon ng balbas pusa ang pangunahing bahagi ng halaman na ginagamit bilang halamang gamot. Maaari itong ilaga at inumin na parang tsaa, o kaya’y ipantapal sa bahagi ng katawan. Ito rin ay pinatutuyo at ihinahalo sa tubig upang mainom na parang tsaa.
ANG BALBAS PUSA SA TRADISYUNAL NA PANGGAGAMOT
Ano nga ba ang mga sakit na sinasabing nagagamot ng balbas pusa? Ang halamang gamot na ito ay ginamit na ng ating mga ninuno sa loob ng ilang siglo dahil ito raw ay nakagagamot sa mga sumusunod na mga karamdaman:
- Pamamaga ng kidney, bato sa bato at kahirapan sa pag-ihi
- Mga sakit may kaugnayan sa atay at pantog katulad na lamang ng bato sa pantog
- Urinary tract infection o impeksyon sa daanan ng ihi
- Diabetes
- Rayuma, arthritis at gout
- Nakapagpababa kolesterol sa dugo at presyon ng dugo
- Nakapagpapakalma sa allergy
- Pakapagpapakalma ng pamamaga
- Nakapagpapa-ihi dahil ito ay isang diuretic
MAKA-AGHAM NA MGA PAGSUSURI SA KAKAYAHAN NG BALBAS PUSA
Dahil sa matagal na itong ginagamit ng mga nakaraang henerasyon bilang gamot, ang mga dalubhasa ay nag saayos ng iba’t ibang serye ng mga pag-aaral para patunayan ang kakayahan ng halamang gamot na balbas pusa. Tingnan natin ang ilan sa mga pag-aaral na ito.
Balabas pusa at paggamot sa bato sa bato. Ang isang klinikal na pagsusuri ay nagpapakita na 40% ng mga pasyenteng may bato sa kidney na sumailalim sab albas pusa treatments ay nagkaroon ng paggaling sa loob lamang ng anim na buwan. Sa isang kaugnay na pananaliksik, 20% ng mga pasyente na iba pang sakit sa bato ang lubusang gumaling at ang mga nasabing pasyente ay hindi na nakaranas ng pananakit at mga sintomas ng sakit sa bato.
Kung ang pang matagalang epekto naman ng pag inom ng balbas pusa tea ang pag-uusapan, nakita sa isang kamakailang pag-aaral na ang mga taong kinaugalian na ang pag inom ng balbas pusa tea ay mas bihira na magkaroon ng pamumuo ng bato sa bato kumpara sa mga hindi umiinom nito. Pero tandaan, hindi iminumungkahi ang pangmatagalang pag inom nito. Tingnan ang huling bahagi ng artikulo para malaman ang mga side effects ng balbas pusa.
Ang diabetes at balbas pusa. Sa isang pag-aaral may kaugnayan sa kakayahan ng balbas pusa na lunasan ang mga sintomas na dala ng diabetes, nakita ng mga dalubhasa na ang halamang gamot na ito ay talagang nakapagpapababa ng blood sugar sa mga pasyenteng hindi pa nakadepende sa insulin sa loob ng anim na buwan ng balbas pusa treatment. Napatunayan din na ang balbas pusa ay pampababa ng presyon ng dugo. Dahil sa ito ay isang natural diuretic, maaari itong gamitin bilang pamalit sa mga diuretic na nabibili sa botika na hindi nangangamba na baka magkaroon ng pangit na side effects. Dahil sa pinabababa nito ang blood pressure ng pasyente, sinasabing nagagamot din nito ang mga kumplikasyon ng highblood tulad ng mga problema sa kidney at iba pa.
Ang balbas pusa bilang antioxidant. Sa isang pagsusuri sa mga daga gamit ang katas ng balbas pusa sa bansang Malaysia, napatunayan na ang halamang gamot na ito ay isang antioxidant dahil sa hinahadlangan nito ang aktibidad ng mga free radicals sa atay ng mga daga.
SAAN MAKAKAKUHA NG BALBAS PUSA?
Dahil sa ang balbas pusa ay nabubuhay naman dito sa atin sa Pilipinas, may mga nagbebenta ng ornamental plants nagbebenta rin ng balbas pusa sa kanilang mga pwesto. Bumili ka ng halamang gamot ng naka-paso’ at maaari mo itong ilipat sa inyong bakuran para mas mabilis ang paglago ng iyong halaman. Ang balbas pusa ay maaari ring mabili sa mga Chinese medicine store bilang pinatuyong dahon o powder.
PAANO GAMITIN ANG BALBAS PUSA BILANG HALAMANG GAMOT?
Ang balbas pusa ay kilalang halamang gamot na ginagamit bilang tsaa, sa katunayan, Java tea ang tawag nito sa wikang ingles. Narito ang mga pamamaraan ng paggamit ng balbas pusa bilang tsaa.
- Una, kailangan mong hugasang mabuti ang mga dahon ng balbas pusa
- Tadtarin ito at magdagdag ng apat na tasa ng tubig sa bawat isang tasa ng dahon
- Pakuluin ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto
- Hayaang lumamig at salain
- Uminom ng kalahating tasa ng balbas pusa tea tatlong beses kada araw
Ang balbas pusa tea ay maaaring itago sa isang malinis na lalagyan at pwedeng inumin sa loob ng ilang araw. Kung bibili ka ng pinatuyong dahon ng balbas pusa, ito ay mas matapang kaya sundin moa ng payo ng herbalist na nagbenta nito saiyo.
MGA SIDE EFFECTS NG PAGGAMIT NG BALBAS PUSA BILANG HALAMANG GAMOT
Ang pag inom ng tsaa ng balbas pusa ay sinasabing wala pang napapatunayang side effects o kontra sa iba pang gamot. Bagaman pinaniniwalaang hindi mapanganib ang pag inom nito, ang pang matagalang paggamit ng tsaa ng halamang gamot na ito ay maaaring magdulot ng pagbaba ng sodium o potassium sa katawan.
Ikaw ba ay buntis o kaya ay isang nanay na nagpapasuso? Wala namang sapat nap ag-aaral na nagsasabing ang pag inom ng balbas pusa tea ay mapanganib sa nanay o sa sanggol. Pero tulad ng aming mungkahi sa lahat ng aming mga artikulo hinggil sa mga halamang gamot at anu pa mang mga alternatibong pamamaraan ng paggamot, mas makabubuti na mag iwas ka muna sa paggamit ng balbas pusa hanggang sa ikaw ay matapos na sa pagpapa suso sa iyong sanggol.
Kung tungkol sa allergy, wala pang naiuulat na kaso ng pagkakaroon ng allergy dahil sa pag inom ng balbas pusa na tsaa dito sa atin, subalit sa ibang bansa, may mga mangilan-ngilan na kaso na nagpapahiwatig na ang paggamit nito ay maaaring maging sanhi ng allergy.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento