Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Pagkain na nakakaganda ng mood at nilalabanan ng stress


whole grains, nagpapataas ng serotonin o happy hormones,
Bahagi na yata ng ating pang araw- araw ang stress, mula sa traffic,mahabang pila sa sakayan, mausok at mainit na kalsada at marami pang iba, ngunit alam ninyo ba na ang stress sa mahaba tuloy -tuloy na panahon ay nakakasama sa ating kalusugan at pag iisip?Upang labanan  ito subukan ang pagkain na nakakabuti sa ating mood, maina kung magiging bahagi ito ng iyong diet sa pang araw- araw. Pagkaing mataas sa omega-3 fatty acids, gaya ng oily fish na tuna, mackerel at salmon. Piliin ang hindi galing sa sa lata sapagkat ang mga 'canned meats' na ito ay mataas sa sodium  content na hindi nakakabuti sa blood pressure. Bukod sa ida mabuti rin ang walnuts at avocado na mayaman sa omega-3, maganda rin ito sa balat upang labanan ang skin aging,Gumagamit ng olive oil sa pagluluto, taglay nito ang healthy fats at omega - 3 acids.




Ang whole grain oats, quinoa, brown rice at 100% whole grain pasta at tinapay ay nagbibigay ng mabuting epekto sa ating utak sa pamamagitan ng pagpapataas nito sa seotonin, ang hormone na responsable sa mood balance, Ang mga carbohydrates na nabangit ay mataas din sa fiber, protein, vitamins at minerals kumpara sa refined carbohydrates.Uminom ng chamomile tea. Bukod sa tsaa mayroon na ring ointment, capsules at juice ang Chamomile. kung iinom ng tsaa, maigi kung tatlo hanggang apat na beses ito sa isang araw. ayon din sa pag aaral ang chamomile ay nakakatulong din sa mga taong may anxiety. kumain ng saging dahi ito ay mayaman sa fiber at tryptophan na nakakapag- relax at nakakaganda ng mood.Ang pagkaing keso, chicken, soy products,itlog, tofu,isda,gatas,turkey,mani,peanut butter,pumpkin seeds at sesame seeds ay mayaman din sa sangkap na tryptohan, isang amino acid na pangunahing kailangan ng katawan upang magproduce ng serotonin na nagbabalanse ng ating mood.Uminom ng dalawang litro ng tubig kada araw. Imbes na uminom ng softrinks o juice bilang pampalamig, piliin ang tubig. Ang pagiging hydrated ay nakakatulong  sa maayos na sistema ng katawan at pagiisip.





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

tamang oras ng pagtulog

1. Ibagay ang tulog sa iyong edad. Kapag tayo’y wala pang 20 years old, puwedeng 9-10 na oras ang tulog. Ngunit pagdating natin sa edad 30 at 40, mas maikli na ang tulog sa 7-8 na oras. Kapag lampas na sa edad 60 at 70, nagiging 6 na oras na lang ang tulog. Gayunpaman, kailangan pa rin ng ating katawan ang lakas at sigla na naibibigay lamang ng tulog. 2. Huwag din lalampas sa 10 oras na tulog. May pagsusuri din na masama ang sobrang pagtulog. Baka may sakit ka na. 3. Kung kulang ka sa tulog, mag-siyesta sa hapon para mapunuan ang kailangan mong 8 oras na pahinga. 4. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na. 6. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na. 5. Tama ang sabi ng matatanda, dapat maaga matulog, at maaga din magising. Bukod sa mabuti sa katawan, ito din ang ga...

HALAMANG GAMOT: TUBA

Ang tuba-tuba ay isang halamang gamot na may sayantipikong pangalan na Jotropha curcas, kilala sa Pilipinas bilang isang lunas sa pasa at natapilok na bukong-bukong.  Kulay pulang katas ang makukuha sa ugat nito at kulay asul naman sa kanyang balat.  Ang isa sa pinaka may pag-asa o inaasahan na parte ng punong ito ay ang kaniyang bunga na maaaring gawing alternatibong pangatong (biofuel). Ang halamang ito ay lumalaki ng mula sa isa hanggang 8 metro o mahigit pa, may malapad na dahon at may limang umbok, 5 hanggang 8 pulgada ang haba. ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG TUBA? 1. Rayuma . Karaniwang nilalaga ang pinatuyong dahon at ugat ng tuba upang maibsan ang pananakit ng kasukasuan dahil sa rayuma. 2. Kagat ng ahas . Maaari ding ipampahid ang dinikdik na dahon ng tuba sa kagat ng ahas upang maiwasan ang pamamaga at iba pang komplikasyon sa sugat. 3. Pilay . Makatutulong naman ang pagtatapal ng dahon na pinahiran ng langis at pinadaanan sa apoy sa pilay at ...

Ang Tamang Dami Ng pagkain

Binago ng US Department of Agriculture ang food pyramid na ginagamit ng mga nakalipas na taon. Pinalitan na ito Healthy Plate.Ano ba ibig sabihin nito? Kung dati ay nakakalito ang ibig sabihin ng food pyramid. ngayon ay malinaw na ang mensahe. Sa healty Plate.  nakakahati sa apat ang iyong plato. 1. Ang kalahating iyong plato ay dapat nakalaan sa gulay at prutas. Hindi tulad nating mga pinoyna halos buong plato ay puro kanin. Mali po iyan. Masustansya ang gulay  tulad ng kangkong, pechay, okra, barcoli at ampalaya. Luttin lang ito sa kamatis at sibuyas. Huwag nang lagyan ng taba ng baboy. 2. Ang pinakamasustansya prutas ay ang mansanas, saging  peras. strawberry at dalandan. limitahan lamang ang pagkainng mangga at ubas dahil nakakataba ito.sa bawat kainan.ang isang serving ng prutas ay katumabas lamang ng isang pisngi ng mangga o 10 pirasong ubas. 3.Ang one- fourthng plato ay para sa protina tulad ng isda.karne, bean at tokwa. Umiwas sa pagkain ng karneng baka at ...