Lumaktaw sa pangunahing content

ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG LUYANG DILAW


1. Pananakit ng sikmura (abdominal spasm). Mabisa din ang pag-inom sa salabat ng luyang dilaw upang maibsan ang kondisyon ng pananakit ng 
2. Lagnat. Pinapainom ng salabat ng luyang dilaw ang taong may mataas na lagnat upang mapabuti ang pakiramdam.
3. Bulate sa tiyan. Mabisa din na pangpurga sa mga bulate sa tiyan ang pag-inom sa katas ng luyang dilaw.
4. Kagat ng insekto. Pinapahiran din hiniwang luyang dilaw ang kagat ng insekto.
5. Sugat. Ginagamit din na panglinis sa mga sugat sa pamamagitan ng pagpapahid ng hiniwang luyang dilaw sa apektadong bahagi ng katawan.
6. Bulutong. Matutulungang mapabilis ang paghilom ng mga mga sugat na dulot ng bulutong sa pamamagitan ng pagpapahid ng pinulbos na luyang dilaw sa mga apektadong bahagi ng katawan.
7. Buni. Ang dinikdik na bulaklak ng luyang dilaw ay mabisa naman para sa buni sa balat. Pinapahid lamang ito sa apektadong lugar.
8. Pagtatae. Maari namang kainin ang luyang dilaw para maibsan ang kondisyon ng pagtatae.

Ano po ba ang mga binipisyong pangkalusugan na maaari nating makuha sa luya?
Ang luya po ay napakainam sa ating atay, halos lahat ng sakit na may kinalaman sa ating atay ito ay napapagaling nya. Isa na dito ang cholecystitis o pamamaga ng gallbladder dahil sa pagkakaroon ng gallstones.
Ang gallstones ay hindi maiiwasang mahulma sa gallbladder dahil sa iba't-ibang kadahilanan at kahit na ito ay mapalabas na, ay posibleng ito ay mabuo pa rin, pero huwag tayong matakot, kailangan lang po ng tamang pagkain, iwas sa sobrang stress at magkaroon ng susuportang herbs na makakatulong sa liver sa pagpapalabas ng bile upang 'wag mamuo ang gallstones at tumigas na parang bato sa gallbladder, upang maiwasan ang pamamaga nito at pagsakit.
Mga sintomas ng pamamaga ng gallbladder cholecystitis dahil sa pagkakaroon ng gallstones:
Matinding sakit ng tiyan sa bandang baba ng kanang rib cage.
Sakit na gumuguhit mula sa kanang balikat o sa bandang likod na bahagi.
Lumalalang sakit pagkatapos kumain lalo ng mga matatabang pagkain.
Kapag hinawakan mo ang tiyan ay matigas.
Parang masusuka
Pagsusuka
Lagnat.
Ang herbs na ito na maaaring magamit ay ang luyang dilaw at luyang ginagamit nating panluto. Although, may iba pang herbs na maaaring makasuporta sa liver tulad ng milk thistle at dandelion, ang problema po ay hindi po ito madaling hanapin dito sa atin sa Pilipinas, meron in form of capsule, may kamahalan pa.
Samantalang ang luyang dilaw at luya natin na panluto ay napakamura, madaling mabili at patubuin, kompara sa mga herbs na nabanggit ko, at ito po ay napakatagal ng ginagamit na panggamot noong una pang panahon.
Ang luya ay makakapagpagaling sa namamagang gallbladder dahil ito ay may anti-inflammatory effect o kontra sa pamamaga, makakatulong sa liver sa paglalabas ng bile o 'yong fluid na green na nasa gallbladder o kilala natin sa tawag na apdo.
Itong apdo na ito ay pang-digest sa kinakain nating fats o taba. Ito rin ay nagne-neutralize ng acid, kaya ito ay mainam na gamot sa mga nakakaranas ng paghapdi ng sikmura dahil sa mataas ang acid o "hyper acidity. Marami natatakot sa atin na gumamit ng luya kapag nakakaranas na ng hyper acidity dahil daw sa ito ay makakasama lalo. Hindi po, basta makakainom kayo ng tamang dosage.



Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

HALAMANG GAMOT: TUBA

Ang tuba-tuba ay isang halamang gamot na may sayantipikong pangalan na Jotropha curcas, kilala sa Pilipinas bilang isang lunas sa pasa at natapilok na bukong-bukong.  Kulay pulang katas ang makukuha sa ugat nito at kulay asul naman sa kanyang balat.  Ang isa sa pinaka may pag-asa o inaasahan na parte ng punong ito ay ang kaniyang bunga na maaaring gawing alternatibong pangatong (biofuel). Ang halamang ito ay lumalaki ng mula sa isa hanggang 8 metro o mahigit pa, may malapad na dahon at may limang umbok, 5 hanggang 8 pulgada ang haba. ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG TUBA? 1. Rayuma . Karaniwang nilalaga ang pinatuyong dahon at ugat ng tuba upang maibsan ang pananakit ng kasukasuan dahil sa rayuma. 2. Kagat ng ahas . Maaari ding ipampahid ang dinikdik na dahon ng tuba sa kagat ng ahas upang maiwasan ang pamamaga at iba pang komplikasyon sa sugat. 3. Pilay . Makatutulong naman ang pagtatapal ng dahon na pinahiran ng langis at pinadaanan sa apoy sa pilay at ...

Ang Tamang Dami Ng pagkain

Binago ng US Department of Agriculture ang food pyramid na ginagamit ng mga nakalipas na taon. Pinalitan na ito Healthy Plate.Ano ba ibig sabihin nito? Kung dati ay nakakalito ang ibig sabihin ng food pyramid. ngayon ay malinaw na ang mensahe. Sa healty Plate.  nakakahati sa apat ang iyong plato. 1. Ang kalahating iyong plato ay dapat nakalaan sa gulay at prutas. Hindi tulad nating mga pinoyna halos buong plato ay puro kanin. Mali po iyan. Masustansya ang gulay  tulad ng kangkong, pechay, okra, barcoli at ampalaya. Luttin lang ito sa kamatis at sibuyas. Huwag nang lagyan ng taba ng baboy. 2. Ang pinakamasustansya prutas ay ang mansanas, saging  peras. strawberry at dalandan. limitahan lamang ang pagkainng mangga at ubas dahil nakakataba ito.sa bawat kainan.ang isang serving ng prutas ay katumabas lamang ng isang pisngi ng mangga o 10 pirasong ubas. 3.Ang one- fourthng plato ay para sa protina tulad ng isda.karne, bean at tokwa. Umiwas sa pagkain ng karneng baka at ...

HALAMANG GAMOT: HARAS (ANIS)

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA HARAS (ANIS)? Ang iba’t ibang bahagi ng halamang anis ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan: Ang bunga ay makukuhanan ng volatile oil na may anethol. Mayroon din itong pectin, at pentosan May taglay din na linoleic acid, palmitic acid, at oleic acid ang langis nito ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO? Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng: Ugat. Ang ugat ay karaniwang inilalaga upang mainom bilang gamot. Buto. Ang mga buto ng anis ay maaaring ilaga at ihalo sa inumin. Maaari din itong dikdikin at gamitin sa panggagamot. Langis. Mabisa naman ang langis na nakuha mula sa buto ng anis para ilang kondisyon sa katawan. Ito’y pinangpapahid lamang. ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG HARAS (ANIS)? 1. Bulate sa tiyan. Pinaiinom ng 3-4 ml ng langis ng anis ang ...