Lumaktaw sa pangunahing content

ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG LUYANG DILAW


1. Pananakit ng sikmura (abdominal spasm). Mabisa din ang pag-inom sa salabat ng luyang dilaw upang maibsan ang kondisyon ng pananakit ng 
2. Lagnat. Pinapainom ng salabat ng luyang dilaw ang taong may mataas na lagnat upang mapabuti ang pakiramdam.
3. Bulate sa tiyan. Mabisa din na pangpurga sa mga bulate sa tiyan ang pag-inom sa katas ng luyang dilaw.
4. Kagat ng insekto. Pinapahiran din hiniwang luyang dilaw ang kagat ng insekto.
5. Sugat. Ginagamit din na panglinis sa mga sugat sa pamamagitan ng pagpapahid ng hiniwang luyang dilaw sa apektadong bahagi ng katawan.
6. Bulutong. Matutulungang mapabilis ang paghilom ng mga mga sugat na dulot ng bulutong sa pamamagitan ng pagpapahid ng pinulbos na luyang dilaw sa mga apektadong bahagi ng katawan.
7. Buni. Ang dinikdik na bulaklak ng luyang dilaw ay mabisa naman para sa buni sa balat. Pinapahid lamang ito sa apektadong lugar.
8. Pagtatae. Maari namang kainin ang luyang dilaw para maibsan ang kondisyon ng pagtatae.

Ano po ba ang mga binipisyong pangkalusugan na maaari nating makuha sa luya?
Ang luya po ay napakainam sa ating atay, halos lahat ng sakit na may kinalaman sa ating atay ito ay napapagaling nya. Isa na dito ang cholecystitis o pamamaga ng gallbladder dahil sa pagkakaroon ng gallstones.
Ang gallstones ay hindi maiiwasang mahulma sa gallbladder dahil sa iba't-ibang kadahilanan at kahit na ito ay mapalabas na, ay posibleng ito ay mabuo pa rin, pero huwag tayong matakot, kailangan lang po ng tamang pagkain, iwas sa sobrang stress at magkaroon ng susuportang herbs na makakatulong sa liver sa pagpapalabas ng bile upang 'wag mamuo ang gallstones at tumigas na parang bato sa gallbladder, upang maiwasan ang pamamaga nito at pagsakit.
Mga sintomas ng pamamaga ng gallbladder cholecystitis dahil sa pagkakaroon ng gallstones:
Matinding sakit ng tiyan sa bandang baba ng kanang rib cage.
Sakit na gumuguhit mula sa kanang balikat o sa bandang likod na bahagi.
Lumalalang sakit pagkatapos kumain lalo ng mga matatabang pagkain.
Kapag hinawakan mo ang tiyan ay matigas.
Parang masusuka
Pagsusuka
Lagnat.
Ang herbs na ito na maaaring magamit ay ang luyang dilaw at luyang ginagamit nating panluto. Although, may iba pang herbs na maaaring makasuporta sa liver tulad ng milk thistle at dandelion, ang problema po ay hindi po ito madaling hanapin dito sa atin sa Pilipinas, meron in form of capsule, may kamahalan pa.
Samantalang ang luyang dilaw at luya natin na panluto ay napakamura, madaling mabili at patubuin, kompara sa mga herbs na nabanggit ko, at ito po ay napakatagal ng ginagamit na panggamot noong una pang panahon.
Ang luya ay makakapagpagaling sa namamagang gallbladder dahil ito ay may anti-inflammatory effect o kontra sa pamamaga, makakatulong sa liver sa paglalabas ng bile o 'yong fluid na green na nasa gallbladder o kilala natin sa tawag na apdo.
Itong apdo na ito ay pang-digest sa kinakain nating fats o taba. Ito rin ay nagne-neutralize ng acid, kaya ito ay mainam na gamot sa mga nakakaranas ng paghapdi ng sikmura dahil sa mataas ang acid o "hyper acidity. Marami natatakot sa atin na gumamit ng luya kapag nakakaranas na ng hyper acidity dahil daw sa ito ay makakasama lalo. Hindi po, basta makakainom kayo ng tamang dosage.



Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang Tamang Dami Ng pagkain

Binago ng US Department of Agriculture ang food pyramid na ginagamit ng mga nakalipas na taon. Pinalitan na ito Healthy Plate.Ano ba ibig sabihin nito? Kung dati ay nakakalito ang ibig sabihin ng food pyramid. ngayon ay malinaw na ang mensahe. Sa healty Plate.  nakakahati sa apat ang iyong plato. 1. Ang kalahating iyong plato ay dapat nakalaan sa gulay at prutas. Hindi tulad nating mga pinoyna halos buong plato ay puro kanin. Mali po iyan. Masustansya ang gulay  tulad ng kangkong, pechay, okra, barcoli at ampalaya. Luttin lang ito sa kamatis at sibuyas. Huwag nang lagyan ng taba ng baboy. 2. Ang pinakamasustansya prutas ay ang mansanas, saging  peras. strawberry at dalandan. limitahan lamang ang pagkainng mangga at ubas dahil nakakataba ito.sa bawat kainan.ang isang serving ng prutas ay katumabas lamang ng isang pisngi ng mangga o 10 pirasong ubas. 3.Ang one- fourthng plato ay para sa protina tulad ng isda.karne, bean at tokwa. Umiwas sa pagkain ng karneng baka at ...

Mga Pagkain na nakakaganda ng mood at nilalabanan ng stress

whole grains, nagpapataas ng serotonin o happy hormones, Bahagi na yata ng ating pang araw- araw ang stress, mula sa traffic,mahabang pila sa sakayan, mausok at mainit na kalsada at marami pang iba, ngunit alam ninyo ba na ang stress sa mahaba tuloy -tuloy na panahon ay nakakasama sa ating kalusugan at pag iisip?Upang labanan  ito subukan ang pagkain na nakakabuti sa ating mood, maina kung magiging bahagi ito ng iyong diet sa pang araw- araw. Pagkaing mataas sa omega-3 fatty acids, gaya ng oily fish na tuna, mackerel at salmon. Piliin ang hindi galing sa sa lata sapagkat ang mga 'canned meats' na ito ay mataas sa sodium  content na hindi nakakabuti sa blood pressure. Bukod sa ida mabuti rin ang walnuts at avocado na mayaman sa omega-3, maganda rin ito sa balat upang labanan ang skin aging,Gumagamit ng olive oil sa pagluluto, taglay nito ang healthy fats at omega - 3 acids. Ang whole grain oats, quinoa, brown rice at 100% whole grain pasta at tinapay ay nagbibig...

Ubo ng Ubo

Ang ubo ay puwedeng dahil sa trangkaso (flu), sipon, allergy, sigarilyo, pulmonya (pneumonia), namamagang tonsils at tuberculosis. Sa mga sakit na ito, ang pulmonya at tonsillitis ay nangangailangan inuman ng antibiotics. Ang tuberculosis naman ay ginagamot sa loob ng 6 na buwan.  Subalit para sa pangkaraniwang sanhi ng ubo, heto ang dapat gawin: 1. Uminom ng 8 hanggang 10 basong tubig. Pinapalabnaw ng tubig ang madidikit na plema.  2. Uminom ng mainit na salabat o sabaw ng manok. Ang pag-inom ng mainit na sabaw ay nagpapaluwag ng mga tubo natin sa baga.   3. Itigil ang paninigarilyo. Umiwas sa mga bisyo. 4. Uminom ng Vitamin C para lumakas ang ating immune system.  5. Uminom ng tsa-a na may honey at lemon. Mabisa ang honey sa pagkalma ng naiiritang lalamunan. Ang lemon ay may vitamin C. 6. Umiwas sa sakit. Kung ika’y may mga sakit na, tulad ng altapresyon at diabetes, umiwas sa nakapapagod na gawain at pagpunta sa mausok na lugar. 7. Magpabakuna la...