Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ang Tamang Dami Ng pagkain

Binago ng US Department of Agriculture ang food pyramid na ginagamit ng mga nakalipas na taon. Pinalitan na ito Healthy Plate.Ano ba ibig sabihin nito? Kung dati ay nakakalito ang ibig sabihin ng food pyramid. ngayon ay malinaw na ang mensahe. Sa healty Plate.  nakakahati sa apat ang iyong plato. 1. Ang kalahating iyong plato ay dapat nakalaan sa gulay at prutas. Hindi tulad nating mga pinoyna halos buong plato ay puro kanin. Mali po iyan. Masustansya ang gulay  tulad ng kangkong, pechay, okra, barcoli at ampalaya. Luttin lang ito sa kamatis at sibuyas. Huwag nang lagyan ng taba ng baboy. 2. Ang pinakamasustansya prutas ay ang mansanas, saging  peras. strawberry at dalandan. limitahan lamang ang pagkainng mangga at ubas dahil nakakataba ito.sa bawat kainan.ang isang serving ng prutas ay katumabas lamang ng isang pisngi ng mangga o 10 pirasong ubas. 3.Ang one- fourthng plato ay para sa protina tulad ng isda.karne, bean at tokwa. Umiwas sa pagkain ng karneng baka at ...

Ubo ng Ubo

Ang ubo ay puwedeng dahil sa trangkaso (flu), sipon, allergy, sigarilyo, pulmonya (pneumonia), namamagang tonsils at tuberculosis. Sa mga sakit na ito, ang pulmonya at tonsillitis ay nangangailangan inuman ng antibiotics. Ang tuberculosis naman ay ginagamot sa loob ng 6 na buwan.  Subalit para sa pangkaraniwang sanhi ng ubo, heto ang dapat gawin: 1. Uminom ng 8 hanggang 10 basong tubig. Pinapalabnaw ng tubig ang madidikit na plema.  2. Uminom ng mainit na salabat o sabaw ng manok. Ang pag-inom ng mainit na sabaw ay nagpapaluwag ng mga tubo natin sa baga.   3. Itigil ang paninigarilyo. Umiwas sa mga bisyo. 4. Uminom ng Vitamin C para lumakas ang ating immune system.  5. Uminom ng tsa-a na may honey at lemon. Mabisa ang honey sa pagkalma ng naiiritang lalamunan. Ang lemon ay may vitamin C. 6. Umiwas sa sakit. Kung ika’y may mga sakit na, tulad ng altapresyon at diabetes, umiwas sa nakapapagod na gawain at pagpunta sa mausok na lugar. 7. Magpabakuna la...

Mga paraan ng paggamot para sa sakit ng ulo

Tulad ng nabanggit na, ang gamot sa sakit ng ulo ay dumedepende sa sanhi nito. Ito ay maaaring gamit ang medikal na pamamaraan, paggamit ng alternatibong gamot (halamang gamot), o sa pamamagitan ng holistikong paggagamot. Upang iyong mas maintindihan, narito ang iba't-ibang pamamaraan na maaaring makatulong upang malunasan ang sakit ng ulo. Medikal Sa pamamaraang medikal, mahalagang pakiramdaman muna ang sarili sa nararamdamang sakit ng ulo. Kung ito ba'y may kasamang lagnat, pananakit ng kalamnan, gutom, o pagkahilo na maaaring resulta ng kaunti o labis na tulog, labis na paninigarilyo, pabago-bagong klima, labis na pagkapagod o stress sa trabaho, eskwela, o tahanan, o di kaya'y paninibago sa gamot na ininom para sa partikular na sakit o mantensyon (maintenance). Kung nalaman na ang maaaring pinag-ugatan o sanhi ng pananakit, kumonsulta sa doktor para sa kaukulang gamot na maaaring inumin o kung may dapat bang gawin o baguhin sa araw-araw na karaniwang gawain....

10 SENYALES NG SAKIT SA PUSO

Ang mga senyales ng sakit ay naiiba-iba depende sa kondisyon na dinadanas, ngunit ang mga sumusunod na sintomas ay ang mga karaniwan na maaaring maranasan. 1. Kawalan ng gana sa pagkain Pangkaraniwan din na kondisyon ang biglang pagkawala ng gana sa pagkain sa oras na makaramdam ng ilang mga sintomas ng sakit sa puso. 2. Pagkabalisa Sinasabing ang mga may sakit sa puso, lalo na yung may pagbabadya ng atake sa puso, ay maaaring dumanas ng pagkabalisa o anxiety. Dahil ito sa takot sa kamatayan na maaaring maranasan sa kasagsagan ng atake sa puso. 3. Panghihina ng katawan Agad na manghihina ang katawan ng tao ilang araw bago o sa mismong panahon ng pag-atake sa puso. Ayon sa mga taong nakaligtas sa atake sa puso, kahit ang paghawak sa papel sa pagitan ng mga daliri ay mahirap gawin sa kasagsagan ng panghihina ng katawan.  4.Pananakit sa dibdib Siyempre pa, maaaring dumanas ng pananakit sa dibdib ang taong may sakit sa puso. Sa katunayan, ito ang pangunahing sen...

health benefits ng guyabano

Masustansya ang guyabano pero, 'wag naman natin syang ituring na gamot para sa lahat na nabanggit nating problema. Ituloy pa rin natin ang mga gamot na rineseta ng doctor natin. 1. Maaring makatulong rin sa mga may migraine headache dahil sa taglay nitong Riboflavin. 2. Mayaman sya sa fiber kaya't makakatulong rin sa mga may constipation. 3. Mayaman rin sya sa vitamin C at makakatulong para labanan ang mga infection tulad ng infection sa ihi o UTI. 4. Mayaman rin sya sa potassium na maaring makatulong sa mga nakakaramdam ng pamimitig (cramps) ng muscles at panghihina. 5. Para sa mga kababaihan naman, nakakatulong ang guyabano na bawasan ang mga nararamdaman tuwing may menstruation. 6. Mayaman rin sya sa Folate na kailangan ng mga nag-bubuntis. 7. Tumutulong syang mag-produce ng energy para sa katawan. Mayaman sya sa vitamin na Thiamin na tumutulong i-convert ang asukal at carbohydrates na maging energy. 8. Nakaka-patibay rin sya sa mga buto...

tamang oras ng pagtulog

1. Ibagay ang tulog sa iyong edad. Kapag tayo’y wala pang 20 years old, puwedeng 9-10 na oras ang tulog. Ngunit pagdating natin sa edad 30 at 40, mas maikli na ang tulog sa 7-8 na oras. Kapag lampas na sa edad 60 at 70, nagiging 6 na oras na lang ang tulog. Gayunpaman, kailangan pa rin ng ating katawan ang lakas at sigla na naibibigay lamang ng tulog. 2. Huwag din lalampas sa 10 oras na tulog. May pagsusuri din na masama ang sobrang pagtulog. Baka may sakit ka na. 3. Kung kulang ka sa tulog, mag-siyesta sa hapon para mapunuan ang kailangan mong 8 oras na pahinga. 4. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na. 6. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ating katawan at magpahinga na. 5. Tama ang sabi ng matatanda, dapat maaga matulog, at maaga din magising. Bukod sa mabuti sa katawan, ito din ang ga...

tamang pagpapaligo sa mga baby

Ang alcohol  pwede ring malanghap na pwedeng umabot sa toxic level sa katawan na pwedeng umabot sa coma o sa ano pang malubhang side effect. ay madaling ma-absorb ng balat at Pangalawa ang alcohol sa buong katawan ay nakakatuyo ng natural moisture ng baby at mas nagiging madali silang magkarashes kung ganoon. Ang rubbing alcohol ay pwede naman sa konteng amount sa kamay o sa balat para lang disinfectant. Ito po kasi ay matagal na kaugalian nating mga Pilipino subalit matagal na po ako nakabasa sa isang pahayagan dito sa Pilipinas ng public warning na ipinagbabawal na po ito na ihalo sa tubig pampaligo. Mga sobra isang dekada na po yun. Dahil raw may report na may nag coma. Alalahanin na ang baby ay maliit lang ang katawan kaya mas madaling tumaas ang toxic level ng alcohol sa kanilang katawan. Napansin ko kasi sa isang post ko na marami pa rin pala ang nagpapapractice nito basi sa mga comments nila. Kaya pakishare nalang po ito para pa-alala sa mga magulang, lolo at ...