Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Mga Halamang Gamot para sa sakit sa bato at paano ito maiiwasan

SAMBONG: PINAKAMABISANG HALAMANG GAMOT SA SAKIT SA BATO PAGHAHANDA NG HALAMANG GAMOT PARA SA SAKIT SA BATO Narito ang mga steps sa paggawa ng sambong tea:  Kumuha ka ng dahon ng sambong at hiwain ito para  maging maliliit na piraso. Hugasan ito sa malinis na tubig Maglaga ng 50 grams ng dahon ng sambong sa isang litro ng tubig Hayaan ito sa loob ng 10 minuto. Inumin ng mainit o kaya ay malamig depende sa personal na kagustuhanPAG IWAS SA SAKIT SA BATO Ayon sa mga dalubhasa, ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa pagkasira ng bato ay hindi ang pag inom ng halamang gamot para sa bato sa kidney, kundi ang pag-iwas na magkaroon nito. Narito ang mga golden rule para makaiwas sa sakit sa bato: Manatiling fit at aktibo Kontrolin ang blood sugar Pagkain ng masusustansya at pagpapanatili ng tamang timbang Uminom ng maraming tubig Huwag maninigarilyo Pag iwas sa mga hindi kinakailangang mga gamot, supplements at toxins Pag papatingin sa lagay ng iyon...

BALBAS PUSA HALAMANG GAMOT SA SAKIT SA BATO

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG BALBAS PUSA? 1. Gout.  Ang gout at rayuma ay maaaring malunasan ng pag-inom sa tsaa na nagmumula sa dahon ng balbas pusa. 2. Hirap sa pag-ihi . Pinaiinom din ng tsaa ng balbas pusa ang taong dumadanas ng hirap sa pag-ihi. 3. Pananakit ng ngipin.  Maaaring ipanguya ang sariwang dahon ng balbas pusa sa taong nakararanas ng pananakit ng ngipin. Makatutulong kung isisiksik sa butas ng ngipin ang nginuyang dahon. 4. Sakit sa bato.  Ang mga kondisyon at karamdaman na may kaugnayan sa mgg bato (kidney) ay maaaring matulungan ng pag-inom sa tsaa ng dahon ng balbas pusa. 5. Problema sa pantog.  Pinaiinom din ng tsaa ng dahon ng balbas pusa ang taong may karamdaman as pantog. ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA BALBAS PUSA? Ang iba’t ibang bahagi ng halamang balbas pusa ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan: Ang dahon ng balbas pusa ay...

ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG LUYANG DILAW

1. Pananakit ng sikmura (abdominal spasm). Mabisa din ang pag-inom sa salabat ng luyang dilaw upang maibsan ang kondisyon ng pananakit ng  2. Lagnat. Pinapainom ng salabat ng luyang dilaw ang taong may mataas na lagnat upang mapabuti ang pakiramdam. 3. Bulate sa tiyan. Mabisa din na pangpurga sa mga bulate sa tiyan ang pag-inom sa katas ng luyang dilaw. 4. Kagat ng insekto. Pinapahiran din hiniwang luyang dilaw ang kagat ng insekto. 5. Sugat. Ginagamit din na panglinis sa mga sugat sa pamamagitan ng pagpapahid ng hiniwang luyang dilaw sa apektadong bahagi ng katawan. 6. Bulutong. Matutulungang mapabilis ang paghilom ng mga mga sugat na dulot ng bulutong sa pamamagitan ng pagpapahid ng pinulbos na luyang dilaw sa mga apektadong bahagi ng katawan. 7. Buni. Ang dinikdik na bulaklak ng luyang dilaw ay mabisa naman para sa buni sa balat. Pinapahid lamang ito sa apektadong lugar. 8. Pagtatae. Maari namang kainin ang luyang dilaw para maibsan ang kondisyon ng pagtatae. ...

Ang Tamang Dami Ng pagkain

Binago ng US Department of Agriculture ang food pyramid na ginagamit ng mga nakalipas na taon. Pinalitan na ito Healthy Plate.Ano ba ibig sabihin nito? Kung dati ay nakakalito ang ibig sabihin ng food pyramid. ngayon ay malinaw na ang mensahe. Sa healty Plate.  nakakahati sa apat ang iyong plato. 1. Ang kalahating iyong plato ay dapat nakalaan sa gulay at prutas. Hindi tulad nating mga pinoyna halos buong plato ay puro kanin. Mali po iyan. Masustansya ang gulay  tulad ng kangkong, pechay, okra, barcoli at ampalaya. Luttin lang ito sa kamatis at sibuyas. Huwag nang lagyan ng taba ng baboy. 2. Ang pinakamasustansya prutas ay ang mansanas, saging  peras. strawberry at dalandan. limitahan lamang ang pagkainng mangga at ubas dahil nakakataba ito.sa bawat kainan.ang isang serving ng prutas ay katumabas lamang ng isang pisngi ng mangga o 10 pirasong ubas. 3.Ang one- fourthng plato ay para sa protina tulad ng isda.karne, bean at tokwa. Umiwas sa pagkain ng karneng baka at ...

Ubo ng Ubo

Ang ubo ay puwedeng dahil sa trangkaso (flu), sipon, allergy, sigarilyo, pulmonya (pneumonia), namamagang tonsils at tuberculosis. Sa mga sakit na ito, ang pulmonya at tonsillitis ay nangangailangan inuman ng antibiotics. Ang tuberculosis naman ay ginagamot sa loob ng 6 na buwan.  Subalit para sa pangkaraniwang sanhi ng ubo, heto ang dapat gawin: 1. Uminom ng 8 hanggang 10 basong tubig. Pinapalabnaw ng tubig ang madidikit na plema.  2. Uminom ng mainit na salabat o sabaw ng manok. Ang pag-inom ng mainit na sabaw ay nagpapaluwag ng mga tubo natin sa baga.   3. Itigil ang paninigarilyo. Umiwas sa mga bisyo. 4. Uminom ng Vitamin C para lumakas ang ating immune system.  5. Uminom ng tsa-a na may honey at lemon. Mabisa ang honey sa pagkalma ng naiiritang lalamunan. Ang lemon ay may vitamin C. 6. Umiwas sa sakit. Kung ika’y may mga sakit na, tulad ng altapresyon at diabetes, umiwas sa nakapapagod na gawain at pagpunta sa mausok na lugar. 7. Magpabakuna la...

Mga paraan ng paggamot para sa sakit ng ulo

Tulad ng nabanggit na, ang gamot sa sakit ng ulo ay dumedepende sa sanhi nito. Ito ay maaaring gamit ang medikal na pamamaraan, paggamit ng alternatibong gamot (halamang gamot), o sa pamamagitan ng holistikong paggagamot. Upang iyong mas maintindihan, narito ang iba't-ibang pamamaraan na maaaring makatulong upang malunasan ang sakit ng ulo. Medikal Sa pamamaraang medikal, mahalagang pakiramdaman muna ang sarili sa nararamdamang sakit ng ulo. Kung ito ba'y may kasamang lagnat, pananakit ng kalamnan, gutom, o pagkahilo na maaaring resulta ng kaunti o labis na tulog, labis na paninigarilyo, pabago-bagong klima, labis na pagkapagod o stress sa trabaho, eskwela, o tahanan, o di kaya'y paninibago sa gamot na ininom para sa partikular na sakit o mantensyon (maintenance). Kung nalaman na ang maaaring pinag-ugatan o sanhi ng pananakit, kumonsulta sa doktor para sa kaukulang gamot na maaaring inumin o kung may dapat bang gawin o baguhin sa araw-araw na karaniwang gawain....

10 SENYALES NG SAKIT SA PUSO

Ang mga senyales ng sakit ay naiiba-iba depende sa kondisyon na dinadanas, ngunit ang mga sumusunod na sintomas ay ang mga karaniwan na maaaring maranasan. 1. Kawalan ng gana sa pagkain Pangkaraniwan din na kondisyon ang biglang pagkawala ng gana sa pagkain sa oras na makaramdam ng ilang mga sintomas ng sakit sa puso. 2. Pagkabalisa Sinasabing ang mga may sakit sa puso, lalo na yung may pagbabadya ng atake sa puso, ay maaaring dumanas ng pagkabalisa o anxiety. Dahil ito sa takot sa kamatayan na maaaring maranasan sa kasagsagan ng atake sa puso. 3. Panghihina ng katawan Agad na manghihina ang katawan ng tao ilang araw bago o sa mismong panahon ng pag-atake sa puso. Ayon sa mga taong nakaligtas sa atake sa puso, kahit ang paghawak sa papel sa pagitan ng mga daliri ay mahirap gawin sa kasagsagan ng panghihina ng katawan.  4.Pananakit sa dibdib Siyempre pa, maaaring dumanas ng pananakit sa dibdib ang taong may sakit sa puso. Sa katunayan, ito ang pangunahing sen...