Tulad ng nabanggit na, ang gamot sa sakit ng ulo ay dumedepende sa sanhi nito. Ito ay maaaring gamit ang medikal na pamamaraan, paggamit ng alternatibong gamot (halamang gamot), o sa pamamagitan ng holistikong paggagamot. Upang iyong mas maintindihan, narito ang iba't-ibang pamamaraan na maaaring makatulong upang malunasan ang sakit ng ulo. Medikal Sa pamamaraang medikal, mahalagang pakiramdaman muna ang sarili sa nararamdamang sakit ng ulo. Kung ito ba'y may kasamang lagnat, pananakit ng kalamnan, gutom, o pagkahilo na maaaring resulta ng kaunti o labis na tulog, labis na paninigarilyo, pabago-bagong klima, labis na pagkapagod o stress sa trabaho, eskwela, o tahanan, o di kaya'y paninibago sa gamot na ininom para sa partikular na sakit o mantensyon (maintenance). Kung nalaman na ang maaaring pinag-ugatan o sanhi ng pananakit, kumonsulta sa doktor para sa kaukulang gamot na maaaring inumin o kung may dapat bang gawin o baguhin sa araw-araw na karaniwang gawain....